8/20/2010

Sa totoo lang?

Hindi ako masaya, hindi ako galit, nasasaktan ako. Totoo nga ang mga sabi-sabi nila, na kahit gaano ka katatag o ka-mature. Pag dating sa punto na nasasaktan ka dahil sa isang bagay na tanging nagpapasaya sayo. Iba ang takbo ng isip at nararamdaman mo.

Gulo, Hilo, Ano daw?, Break? Break?, at bakit? May iba ka no?, Hindi, Hindi, may dahilan, maniniwala ba ako?, bakit hindi? Bakit Oo? Gulo, Hilo, ... (Repeat until fade)

Ang tama lang ata na naisip ko ay, wag na magsalita pa. Tama na. Tapos na e. Pero yung puwang, yung yearning ba yun? yun! Meron pa kayang magagawa? Sakit sakit e. Paikut-ikutin mo man, masakit! (LOL Magkaribal) Pero totoo, hindi mawawala e. Mabubuhay ako na sumasakit nanaman ito. Nakakapagbaba ng confidence umibig uli. Paano kung mangyari ulit? Paano kung mas malala?

Gulo, Hilo, Ano daw?, Iibig ulit?, Paano kung hindi, paano kung manloloko, paano kung, paano kung!, Gulo, Hilo, ... (Repeat until fade)

FInals na namin e. Kelangan mag-aral, ang sakit hindi inspired, ang sakit walang proproblemahin na tao, kung nakakain na sya, kung kelan muli kami magkkita, Ouch nanaman, Wala na ata akong ginawa na hindi masakit para saakin. Diba kelangan I'm doing good? Ewan. Siguro sasaya yung iba dyan na ito nangyayari sakin. Wala naman akong ginawang masama a, never ako nag-cheat, never ako-nag paasa, ang bait ko na nga eh. Yung iba baka pity pa, kawawang faye. Wala ng love life, nawalan ng life yung love. (LOL) Pag-asa? Wala na.

Rejoice! Rejoice! (Repeat until you die)

No comments:

Post a Comment